(Para palakasin ang vaccine supply) $250-M INUTANG NG PINAS SA ADB

INAPRUBAHAN ng Asian Development Bank (ADB) ang $250 million (P12.5 billion) loan sa Pilipinas para makatulong sa pagpapalakas ng vaccine supply sa bansa.

Ayon sa ADB, ang loan ay gagamitin sa pagbili ng pamahalaan ng 40 million na karagdagang doses ng COVID-19 jabs para sa eligible children at booster shots para sa adults.

“ADB is supporting the government’s drive to provide vaccines to protect its citizens and save lives, especially with the emergence of new COVID-19 variants,” wika ni ADB Principal Social Sector Specialist for Southeast Asia Sakiko Tanaka said.

“Vaccination will allow the health system to better manage the effects of the virus and will help sustain economic recovery. It is key to the country’s full recovery from the pandemic,” dagdag pa ni Tanaka.

Sinabi ng ADB na ang proyekto na tinawag na Second Health System Enhancement to Address and Limit COVID-19 under the Asia Pacific Vaccine Access Facility (HEAL2) Additional Financing, ay tutustusan din ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).

Sinuportahan din ng ADB ang pag-upgrade sa mga laboratoryo at konstruksiyon ng isolation facilities sa bansa.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 percent ng populasyon sa pagtatapos ng taon. Sinimulan na rin nito ang pagtuturok ng booster shots sa eligible sector.

Hanggang nitong Disyembre 8, may 39.5 million na ang fully vaccinated.