(Para sa 100 taon ng Phil Cinema) ROSANNA ROCES KABILANG SA PINARANGALAN NG FDCP

HINDI maika­kaila na noong glorious days ng career ni Rosanna Roces ay pinilahanentra eksena sa takilya ang mga sexy movies na ginawa niya sa Seiko Films at nakagawa rin ng matitinong proyekto si Rosanna na matatawag na critically-acclaimed classic movies at lalong nagpamalas sa husay nito sa pag-arte.

Ilan sa maituturing na quality movies na ginawa ni Osang ay ang “Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin”, “Ang Lalaki Sa Buhay Ni Selya”, “Babae Sa Bintana”, “La Vida Rosa” at “Katawan” kung saan nakatambal niya si Christopher de Leon. At dahil sa naiambag na si­ning ay isa si Rosanna sa binigyan ng parangal ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa selebrasyon ng Isandaan Taon ng Philippine Cinema. Ginanap ang parangal kagabi, September 12 sa KIA Theater sa Ara­neta Center, Cubao, Que­zon City.

SUMALI AT MANALO SA LOTTONG EB BAHAY

MATAPOS igawad sa tatlong masusuwerteng Dabarkads na pensiyonado ng 10,000 Lottong bahaybawat isa sa loob ng isang taon,  ngayong Setyembre ay tatlo uling Dabarkads ang may chance na manalo ng malaking papremyo sa “Lottong EB Bahay.” At para makasali at manalo, abangan at i-comment ang tamang number combination na lumabas sa inyong TV screens.

Tandaan: Dito lang po kayo puwedeng mag-comment sa official Facebook Fanpage ng Eat Bulaga dahil magiging invalid ang inyong comment sa ibang comment box. Matatandaang isa sa sikat o patok na segment noon ng Bulaga ang Lottong Bahay na marami ang naging milyonaryo.

Comments are closed.