(Para sa 2 linggong ECQ) AFP UMAYUDA SA PNP

NAGPAKALAT din ng mga sundalo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force – National Capital Region (JTF-NCR) para ayudahan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagpapairal ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay Army Capt. Prad Adoptante, JTF-NCR Public Affairs Officer, nagdeploy sila ng sapat na puwersa para tumulong sa dalawang linggong implementasyon ng ECQ sa Metro Manila para maiwasan ang pagkalat pa ng COVID 19 – Delta variant.

Nabatid na may 500 JTF-NCR, AFP personnel na binubuo ng Ground Task Group (GTG), Naval Task Group (NTG) at Air Task Group (ATG) ang pinakalat para tumulong sa Philippine National Police (PNP).

Magiging katuwang din ng mga kagawad ng PNP-NCRPO ang mga sundalo sa pagmamantina ng Quarantine Control Points (QCPs) at border areas sa rehiyon.

May mga JTF-NCR personnel din ang naka deploy sa ilang IATF quarantine facilities sa Cities of Manila (Ninoy Aquino Stadium and Rizal Memorial Coliseum) at Parañaque (Solaire-PAGCOR Mega Quarantine Facility) para tiyaking nasusunod ang mga itinakdang protocols and proper monitoring ng mga isolated individual.

Sa pakikipag-ugnayan sa MMDA at DOTr ay naglunsad din ang JTF-NCR ng kanilang “Libreng Sakay” operations sa major routes gaya ng SM Fairview hanggang Quezon Ave via Commonwealth (vice versa); Gil Puyat LRT1 to Quezon Ave via Taft Ave and España (vice versa); and SM Masinag to Cubao MRT via Marcos Highway (vice versa) para sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) na naapektuhan ng lockdown.

Bukod dito, gumagala rin ang mga tauhan ng JTF-NCR at 11th CMO Battalion sa ibat ibang barangay para makatulong sa pagpapatupad ng ECQ regulations sa NCR. VERLIN RUIZ

4 thoughts on “(Para sa 2 linggong ECQ) AFP UMAYUDA SA PNP”

  1. 178551 561960In case you happen to significant fortunate folks forms, referring by natural means, moreover you catch the attention of some sort of envy in consideration of those types the other campers surrounding you which have tough times about this subject. awnings 263218

  2. 370158 530457Currently it seems like BlogEngine could be the very best blogging platform out there appropriate now. (from what Ive read) Is that what you are using on your blog? 741780

Comments are closed.