(Para sa 2019 elections) 1.7 MILYONG PINOY SA ABROAD NAGPAREHISTRO

James Jimenez

MAHIGIT  sa 1.7 milyong  mga Filipino sa ibang bansa ang nagparehistro na para sa May 2019 midterm elections.

Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez,  malaki ang naitalang pagtaas ng mga botanteng Pinoy sa abroad dahil noong 2016 elections, 1,006,747 lamang ang nagparehistro.

Sa ngayon ay  mayroon nang 1,789,823 na rehistradong overseas Filipino voters.

Pinaniniwalaang tumaas ang interest ng mga Pinoy na nasa ibang bansa na maki­lahok sa halalan matapos ang 2016 elections.

Nabatid na  ang  pinakamalaking pagtaas ng bilang ng rehistradong botante ay sa Middle East at sa Africa na mayroong 889,114 na botante.

Naitala na sa America ay mayroong 337,060 na botante ang nagparehistro, sa Asia and Pacific ay mayroong 388,619, at sa Europe ay may nagparehistro na 175,030 na mga Pinoy.

2 thoughts on “(Para sa 2019 elections) 1.7 MILYONG PINOY SA ABROAD NAGPAREHISTRO”

  1. 728792 216662Youre so correct. Im there with you. Your weblog is surely worth a read if anyone comes throughout it. Im lucky I did because now Ive obtained a complete new view of this. I didnt realise that this issue was so crucial and so universal. You definitely put it in perspective for me. 113751

Comments are closed.