(Para sa 2021) BOP, GIR PROJECTIONS ITINAAS NG BSP

Zeno Abenoja

ITINAAS ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang projections nito para sa balance of payments (BOP) positions at gross international reserves (GIR) ng bansa ngayong taon.

Sa isang virtual press briefing ay iprinisinta ni BSP Department of Economic Research managing director Zeno Abenoja ang bagong BOP projections na inaprubahan ng Monetary Board.

Ang BOP ay kinabibilangan ng mga transaksiyon ng Filipinas sa ibang bansa sa isang partikular na panahon. Ang surplus ay nangangahulugan na mas maraming pondo ang pumasok sa bansa, habang ang deficit ay nangangahulugan na mas maraming pondo ang lumabas.

Sa pagtaya ng BSP, ang BOP position ay magtatala ng surplus na $6.2 billion ngayong taon, na katumbas ng1.6% ng gross domestic product (GDP).

Mas mataas ito sa naunang pagtaya na $3.3 billion BOP surplus noong December 2020.

“The latest BOP assessment for 2021 reflects optimism amid expectations of gradual strengthening of the economy anchored mainly on positive developments on the rollout of COVID-19 vaccines, better-than-anticipated global growth momentum and continued strong government support to stimulate recovery,” sabi ni Abenoja.

“While the 2021 external account figures are projected to post improvements given brighter prospects globally and domestically, with the latter potentially gaining from expected strong rebound in its major trading partners such as the United States, Japan, and China, the outcomes are expected to remain below pre-COVID levels in nominal terms,” aniya.

Para sa GIR, umaasa ang BSP na lolobo ang foreign currency reserves ng hanggang $114 billion sa pagtatapos ng 2021.

Mas mataas ito sa December 2020 projection nito na $106 billion ngayong taon.

Ang GIR ay foreign assets na hawak ng BSP tulad ng foreign currency-based securities, gold, at foreign currencies.

3 thoughts on “(Para sa 2021) BOP, GIR PROJECTIONS ITINAAS NG BSP”

Comments are closed.