(Para sa 2024 bar exams sa UP Diliman) QC LGU NAGLABAS NG TRAFFIC ADVISORY

NAGLABAS na ang Quezon City Local Government ng traffic advisory para sa 2024 Bar Examinations na gaganapin sa University of the Philippines Diliman Campus sa dara­ting na Setyembre 8, 11, at 15.

Ayon sa pamahalaang lungsod, asahan na ang mabigat na trapiko sa mga kalsada malapit sa UP Diliman Campus partikular na ang University Avenue, C.P. Garcia Avenue, Katipunan Avenue at Commonwealth Avenue.

Inaasahan sa mga nabanggit na kalsada dadaan ang mga kukuha ng BAR exam.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Mananatili naman na nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar.

P ANTOLIN