(Para sa 2025 midterm polls) HULING BATCH NG ACMs PARATING NA

Final Batch ng Automated Counting Machines para sa 2025 NLE & BPE Ready for Shipment mula Busan Port. Nabigyan din ng pagkakaton ang Commission on Elections (COMELEC) na makapasok sa Busan New Port Complex sa Busan, South Korea para saksihan ang cargo storage, handling, at ang paglululan ng last and final batch ng ACMs sa mga container papuntang Pilipinas.

INAASAHANG na ang pagdating  sa Pilipinas ng nalalabing huling batch ng Automated Counting Machines (ACM) na nasaksihan pa ng mga kinatawan ng Commission on Election nang hakutin at ilagay sa dalawang (2) secure intermediate shipping containers ang may 1,000 boxes ng  ACM kits sa  CJ BND Logistics Center, Busan New Port Complex, South Korea.

Ayon kay Comelec chairman George Garcia, ang bawat ACM kits ay binubuo ng ACM hard cases, power cords and adapters.

Ang  cargo ship na maghahatid ng final batch ng ACM kits, base sa kontrata para sa Full Automation System with Transparency Audit and Count (FASTrAC) project ay dumating sa  container terminal sa Busan kahapon.

Target naman ng dalawang cargo containers na simulan itong ihatid pa­puntang Pilipinas ngayong araw at madadala naman  sa COMELEC Biñan Warehouse sa susunod na buwan.

Ayon sa poll body,  ang Miru Systems Joint Venture, ang service provider ng P17-bilyong proyekto ay natapos na ang produksyon ng 110,620 machine at peripheral sa Miru Plant sa nasabing bansa.

Ang kumpanya sa South Korea ay gumawa ng mga ACM na gagamitin para i-automate ang Mayo 12, 2025 midterm at Bangsamoro parliamentary elections.

VERLIN RUIZ