REPASO SA UP-DND AGREEMENT OK SA PNP

CAMP CRAME – SUPORTADO ni  Philippine National Police (PNP)  Chief, General Oscar D. Albayalde ang opinyon ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman, Dr. Prospero De Vera  na kailangang repasuhin ang 30-taong kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense at University of the Philippines (UP) na nagtakda ng mahigpit na kondisyon para makapasok ang government security forces sa mga UP campus.

Partikular na sang-ayon si Albayalde sa CHED Chair  na naghalimbawa at nangamba na magkaroon ng drug problem sa unibersidad.

Ito aniya ay kung hindi makapasok ang pulis ay hindi makapag -imbestiga sa krimen at maging sa  extremism sa campus.

“We should not expect those in the academe to become policemen. They don’t have the skills, they don’t have the training and maybe what the media should investigate is what is the capability really of the UP Police to handle the drug problem inside the campus because there are portions of the UP campus identified as areas where there is a prevalence of drugs,” unang sinabi ni De Vera sa isang panayam.

Noong Martes ay nagkaroon ng informal exploratory dialogue sa security sector at academe at sinabi ni Abayalde na humingi na sila ng mga dialogue at consultation para talakayin ang nasabing usapin dahil tinututulan ng mga estudyante ang kanilang presensiya sa mga campus at ibang paaralan.

Sinabi pa ni Albayalde  na nais nila ng malakas na collaborations sa mga stakeholder para proteksyonan ang mga paaralan laban sa criminal activity, drug syndicates, at  mga organisasyon na nanlilinlang sa mga kabataan lalo na sa pag-udyok na sumapi sa kilusan na nagsusulong ng komunismo subalit nagpapanggap na makabayan.

Sa panig naman ni De Vera ay nais nito na makahanap ng common ground para pagtulungan ang nasabing suliranin.

“We hope we can find on how we can work together,” ayon kay De Vera na bahagi ng kampanya ng CHED para sa ligtas at malusog na mga paaralan at ligtas mula sa krimen at ekstrenismo.

“The relationship between the PNP, the Armed Forces of the Philippines, and the universities is very, very close. There is no problem in terms of coordination. There is no problem in sharing of information, in sharing of crime statistics and helping each other,”  dagdag pa ni Dr. De Vera.

Noong 1989 sina UP President Jose Nemenzo at dating Defense Secretary  Fidel Ramos, na kinalaunan ay naging Pangulo ay lumagda sa kasunduan na naglilimita sa police at military force na pumasok sa mga major campus at regional units.

“We only have the best interest of the youth backing our pure good intention to establish police presence in schools against crime, exploitation and abuse,” ayon pa sa Chief PNP. EUNICE C.