PARA SA ATING MGA ALKALDE

PUSONG PANALO

NABUO ang C40 Global Mayors COVID-19 Recovery Task Force upang madala ang malalaking siyudad sa mundo patungo sa kaunlaran habang ang mga ito ay bumabangon mula sa mga trahedyang dulot ng pandemya.

Ito ay sinimulan ni Mayor Eric Garcetti ng Los Angeles at ni Mayor Giuseppe Sala ng Milan upang pagkaisahin ang mga alkalde sa iba’t ibang siyudad sa buong mundo at gumawa ng matibay na plano at istratehiya para sa pagbangon ng kanilang mga nasasakupan.

Ayon sa mga alkaldeng sangkot sa task force na ito, ang pandemya ay isang oportunidad upang mabago ang mga siyudad sa mundo at maitatag ang new normal para sa kapakanan ng mga nakatira sa mga lugar na ito. Bukod pa rito, ang pagkilos ng grupo ay naglalayong tumugon sa mga banta ng climate change.

May kakayahan ang mga alkalde ng lungsod upang gamitin ang yaman ng siyudad at magsagawa ng mga polisiya na magbibigay sa kanilang siyudad ng kakayahang makatulong sa pagbangon ng pangkalahatang ekonomiya.

Naniniwala rin silang may kapasidad ang mga lungsod upang mabawasan ng 90% ang mga emissions at makalikha ng 87 milyong trabaho sa taong 2030. Nasa $24 trilyon ang maaaring matipid sa taong 2050 dahil dito.

Uunahin ng mga siyudad na ito ang paglikha ng tinatawag na green jobs, ligtas at abot-kayang pabahay para sa mga tao, matibay na imprastraktura, malinis na enerhiya, at zero-carbon na pampublikong transportasyon.

Naglalayon silang gawing panlahatan (inclusive) ang kani-kanilang ekonomiya upang makinabang ang lahat. Halimbawa, magkakaroon umano ng mga programa para sa kasanayan at “upskilling” ng mga manggagawa at para masuportahan din ang mga tinatawag na essential workers ng mga lungsod na ito.

(Itutuloy)

6 thoughts on “PARA SA ATING MGA ALKALDE”

  1. 500326 609332Im not that significantly of a internet reader to be honest but your blogs really good, keep it up! Ill go ahead and bookmark your internet site to come back down the road. Cheers 889840

Comments are closed.