(Para sa body-worn cam) TECHNICAL WORKING GROUP PINABUBUO SA PNP

UPANG pag-aralan at walang malabag sa batas, iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagbuo ng Technical Working Group (TWG) para sa paggamit ng body-worn cameras.

Layunin nito na maisama sa panuntunan ng PNP ang mga itinakda ng Korte Suprema hinggil paggamit nito.

Ang PNP Directorate for Operations (DO) at ang Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ay siyang naatasan na gumawa ng rekomendasyon kung sinu-sino ang miyembro ng TWG.

Inaatasan din ni Eleazar ang TWG na bumalangkas ng mga module na gagamitin sa pagsasanay gayundin sa mga seminar program ukol sa legal na aspeto sa pagpapagamit ng BWCs sa mga pulis na tumanggap na ng kanilang yunit noong isang buwan.

Sa ngayon, mayroong 2,696 body cameras ang nauna nang ipamahagi sa 171 police stations.

Layon ng PNP sa paggamit ng body-worn camera ay para siguruhin ang transparency at pagiging lehitimo ng mga ikinakasang operasyon.

Nitong Biyernes, Hulyo 9, nagpalabas ang Supreme Court En Banc ng resolusyon kabilang na ang mga panuntunan sa paggamit ng Body-Worn Cameras sa pagpapatupad ng warrants.

Ang resolusyon ay nakabase sa kahilingan ng PNP sa High Tribunal sa pamamagitan nila Secretary of the Interior and Local Government (SILG) Eduardo Año at Secretary of Justice Menardo Guevarra.

Nakasaad sa SC Rules ang partikular na probisyon mula sa pagpapalabas ng mga arrest at search warrant ng mga korte hanggang sa pagsisilbi nito ng mga pulis. EUNICE CELARIO

9 thoughts on “(Para sa body-worn cam) TECHNICAL WORKING GROUP PINABUBUO SA PNP”

  1. 986497 567307I like the valuable information you offer inside your articles. Ill bookmark your weblog and check again here regularly. Im quite certain Ill learn numerous new stuff right here! Excellent luck for the next! 872073

Comments are closed.