CARAGA- INIHAYAG ng Police Regional Office (PRO)13 na pormal na nilang inilunsad ang Media Action Center para sa pagdaraos ng Barangay and Sangguniang kabataan Eletion (BSKE) sa rehiyon ngayong araw.
Ayon kay Regional Public Information Office chief Major Jennifer Ometer, layunin nitong maipaabot ng real-time ang akma at tumpak na impormasyon sa media at publiko na may kaugnayan sa isinasagawang eleksyon sa rehiyon.
Ang naturang Media Action Center ay pinamamahalaan ng mga tauhan ng pulisya na nakahandang umasiste sa mga mamamahayag.
Bukod dito, mayroon din naka- standby na tagapagsalita para sa mga tanong at pagsasagawa ng mga press briefing kung kinakailangan.
Ayon naman sa pahayag ni BGen. John Kirby Kraft, hepe ng PRO-13, ang kanilang responsibilidad ay hindi lamang ay upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan kundi na rin ang pagbibigay ng tumpak at mga napapanahong impormasyon.
EVELYN GARCIA