MAY 20 pang gamot para sa cancer, hypertension, at mental illness ang exempted sa value-added tax (VAT), ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sa isang statement, sinabi ng BIR na ang mga gamot na Pemetrexed, Entrectinib, Asciminib, Palbociclib, at Sonidegib para sa cancer patients ay VAT-exempt na ngayon.
Para sa hypertensive, hindi na papatawan ng VAT ang Losartan Potassium + Amlodipine at Irbesartan + Amlodipine.
Samantala, para sa may mental illnesses, ang Cariprazine ay exempted na rin sa VAT.
Noong Enero ay in-exempt na rin ng BIR sa VAT ang 21 gamot para sa cancer, diabetes, high cholesterol, hypertension, kidney disease, mental illnesses, at tuberculosis.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, ang hakbang ay bahagi ng paglipat ng ahensiya mula sa collection goal-oriented culture sa mas service-oriented.
“The VAT exemption of these medicines for cancer, hypertension, and mental illness is a step towards a healthier country,” aniya.