MAY kabuuang P62.32-B na loans ang inaprubahan ng Land Bank of the Philippines upang tulungan ang 194 local government units (LGUs) na makabangon mula sa COVID-19 pandemic.
Sa isang statement, sinabi ng Landbank na ang pautang na inaprubahan para sa LGUs ay sa ilalim ng kanilang RISE-UP LGUs o Restoration and Invigoration package for a Self-Sufficient Economy towards UPgrowth for LGUs lending program.
Ayon sa Landbank , sa P62.32-billion na inaprubahan, P1.89 billion ang naipalabas na sa 32 LGUs hanggang noong February 2, 2021.
Layunin ng RISE UP LGUs Program na ipagkaloob ang kinakailangang funding requirements ng provincial, city, at municipal LGUs para buhayin ang kanilang ekonomiya at makabangon mula sa epekto ng pandemya.
Ang programa ay inilunsad noong July 2020 sa pakikipagpartner sa Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), kasama ang League of Provinces of the Philippines (LPP), League of Cities of the Philippines (LCP), at League of Municipalities of the Philippines (LMP).
Magmula noon, sinabi ng Landbank na lumawak na ang pagtanggap ng LGUs sa programa, dahilan para dagdagan ng state-run bank ang fund allocation nito mula sa initial P10 billion sa P80 billion.
Sa pamamagitan ng RISE-UP LGUs lending program, tinustusan ng bangko ang COVID-19 response and recovery interventions, kabilang subalit hindi limitado sa pagbili ng agricultural produce, equipment at konstruksiyon ng mga pasilidad para sa pag-uugnay ng mga produkto sa pamilihan, at iba pang mga programa at proyekto ng LGUs na nagkakaloob ng basic at support services, social welfare, healthcare, at iba pang infrastructure activities.
“Landbank recognizes the crucial role of LGUs in the whole-of-nation approach to recover from the economic downturn caused by the pandemic. We are fully committed to finance local development projects toward generating jobs and jumpstarting the local economy,” wika ni Landbank president and CEO Cecilia Borromeo.
Ang national government, sa pamamagitan ng Republic Act No. 11494 o ang “Bayanihan to Recover as One Act” ay nagkakaloob ng P1 billion na interest subsidy fund (ISF) para sa LGU loans mula sa Landbank, na maaaring ma-avail hanggang December 31, 2022.
Comments are closed.