(Para sa COVID-19 vaccines) P58.4-B INUTANG NG FILIPINAS

Carlos Dominguez

UMABOT sa $1.2 billion o tinatayang P58.4 billion ang inutang ng Filipinas mula sa multilateral lenders para bumili ng COVID-19 vaccines, ayon sa Department of Finance (DOF).

Sa isang statement, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang loans na nakuha ng bansa para sa COVID-19 vaccines ay kinabibilangan ng $500 million para sa COVID-19 Emergency Response Project—Additional Financing (PCERP-AF) mula sa World Bank;   $400 million Second Health System Enhancement to Address and Limit COVID-19 (HEAL 2) sa ilalim ng Asia Pacific Vaccine Facility ng Asian Development Bank; at  $300 million HEAL 2 loan mula sa Asian Infrastructure Investment Bank.

“These loans are being processed for signing this March 2021 with an indicative aggregate loan amount of US$1.2 billion,” pahayag ni Dominguez sa isang liham kay Senador Panfilo Lacson.

Ayon sa DOF, nagpadala rin ng kopya ng liham kina Senate President Vicente Sotto III, Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Minority Leader Franklin Drilon, at sa iba pang mga senador.

Ginawa ni Dominguez ang paglilinaw kasunod ng napaulat na ang kabuuang utang ng bansa, kasama ang DOH appropriations sa ilalim ng Bayanihan 2 law para bumili ng COVID-19 vaccines, ay pumalo na sa P126.75 billion.

Sa isang tweet noong March 18, nagtanong si Lacson ng, “NASAAN KA BAKUNA? kung saan binanggit niya na ang total loans na nakuha para sa pagbili ng bakuna, kasama ang P10-billion Bayanihan 2 budget ng DOH, ay umaabot sa P126.75 billion.

Bilang paglilinaw, sinabi ng DOF na $1.7 billion sa kabuuang $2.4 billion loans na nakalista sa kumakalat na report ay hindi para sa pagbili ng bakuna, kundi para sa COVID-19 medical at laboratory equipment, reagents, personal protective equipment (PPEs), ambulances at iba pang essentials para sa medical frontliners, habang ang iba pang loan packages ay para sa general budgetary support para ma-cover ang gastusin ng pamahalaan sa pandemic response measures.

“Only $700 million of the loans listed in the report were for vaccine procurement,” ani Dominguez.

One thought on “(Para sa COVID-19 vaccines) P58.4-B INUTANG NG FILIPINAS”

Comments are closed.