CAMP AGUINALDO-SAKAY ng helikopter NC212 tumungo kahapon ang mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF) sa mga lalawigan ng Tacloban, Cagayan De Oro, Mactan Cebu at Iloilo.
Inutusan ang PAF ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease na kunin ang ang 78 sealed laboratory specimens sa mga nasabing lalawigan.
Ang 78 laboratory specimens na ito ay dinala agad sa mga testing centers sa Maynila para matukoy kung positibo sa 2019 Corona Virus Disease o COVID 19.
Bukod sa pagkuha ng mga specimens, tumungo rin ang PAF sa Laguindingan Airport sa Cagayan De Oro para naman ihatid ang 11 kahon ng Personal Protective Equipments (PPE) na nakalaan sa mga taga-Department of Health (DOH)Lanao.
Ang hakbang na ito ng Philippine Air Force ay pagsuporta sa gobyerno para maiwasan ang pagkalat pang ng COVID 19. REA SARMIENTO
Comments are closed.