NAGBIGAY ng tulong ang Air Asia sa halagang P562,750 o katumbas ng 10,000 US dollar sa isang grupo ng siklista bilang panggastos sa gaganapin disaster resilience workshop sa Manila at Cebu at iba pang mga lalawigan sa Bicol at Kabisayaan.
Ang grupo ay na-organized noong 2013 at mayroon humigit kumulang sa 100,000 miyembro sa ibat-ibang lugar sa bansa.
Inorganisa ito upang makatulong sa mga residente kapag may bagyo at baha sa mga liblib na lugar na hindi kayang pasukin ng mga sasakyan.
Ayon sa impormasyon, ang naturang grupo ay isang volunteer-driven disaster monitoring platform, kung saan gamit ang mga bisikleta upang makapaghatid ng tulong sa mga sinalanta ng kalamidad.
Ayon kay Myles Delfin, founder ng nasabing grupo na importante sa kanilang local member na dumaan sa masusing pagsasanay nang sa gayon handang sumabak sa ulan at baha kapag masama ang panahon upang makarating sa mga isolated na lugar.
Aniya, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang bansa ay hindi nakakalusot mula sampu hanggang labing apat na bagyo taon-taon, kung kaya’t naisipan na magbuo ng grupo para makatulong at mabilis na serbisyo sa ating mga nasalanta ng kalamidad.
FROILAN MORALLOS