ISA sa mga kinagigiliwan natin tungkol sa Dumaguete City ay ang mahaba at magandang kalsada o boulevard sa tabing-dagat. Kaaya-aya rin ang tanawin dito at ang sariwang hangin, pati na ang mga establishment sa tapat ng karagatan sa kabilang bahagi ng kalsada. Ngunit ang lahat ng ito, kabilang na ang iba pang likas na yaman ng Dumaguete, ay nanganganib na masira dahil sa island reclamation project ng pamahalaang lokal at ng E.M. Cuerpo, isang construction company sa bansa.
Marami sa mga mamamayan sa komunidad, iba’t ibang grupong kagaya ng simbahang Katoliko at Presbyterian, mga institusyong pang-edukasyon, environmental organization, aktibista, mag-aaral, miyembro ng akademya, at mga siyentipiko ay tumututol sa proyektong ito sa mga kadahilanang may kaugnayan sa kalikasan, ekonomiya, at legalidad mismo ng proyektong nabanggit.
Una sa lahat, tinututulan ito sapagkat ilulubog ng 174 ektaryang proyektong ito ang apat na marine reserves at matatabunan ang 85% bahagi ng baybayin ng siyudad (kasinlaki ng 4,000 basketball courts), ayon sa marine scientist na si Rene Abesamis. Problema ito hindi lamang para sa coastal ecosystem, apektado rin ang kabuhayan ng mga mangingisda sa lugar. Mawawalan ng kita ang 994 na mangingisda sa siyudad.
Maaaring mawala ang maraming specie ng lamang-dagat, mga isdang nailalako sa merkado, mangrove forest, seagrass bed, at mga coral reef sa apat na marine protected areas na nabanggit sa itaas, kabilang na rin ang karagatan ng Negros Oriental.
(Itutuloy)
***
Noong Sabado, ika-21 ng Agosto, ginunita ng buong bayan si Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino, Jr. na pinatay sa araw na ito noong taong 1983. Nagbibigay-pugay tayo sa alaala at pamana ng ating minamahal na bayani na naniwalang “the Filipino is worth dying for” (ang Pilipino ay karapat-dapat na pag-alayan ng buhay). Mananatili siyang buhay sa ating puso at alaala.
726954 701062hi, your internet site is truly very good. I truly do appreciate your give very good results 562380