PARA SA DUMAGUETE

Pagpapatuloy)
NANINIWALA ang mga eksperto na hindi sulit ang pinaplanong 23 bilyong pisong “smart city” complex kapalit ng kalikasang masisira at negatibong epekto sa kabuhayan ng mga mangingisda.

Anumang benepisyo na maaaring maiambag ng proyektong ito sa ekonomiya ng lugar at maging ng bansang Pilipinas ay maliit kumpara sa masamang epekto nito sa ating ekolohiya.

Ngunit ginawaran na ng Dumaguete City Council ang alkaldeng si Felipe Remollo noong ika-7 ng Hulyo ng taong kasalukuyan ng awtoridad o karapatan na makipagkasundo sa EMC. Bilang tugon, tatlong petisyon ang agad na naikalat upang pigilan ang proyektong ito. Isa sa mga petisyong ito ay nakalikom ng 20,000 electronic signature. Naisumite na rin ang petisyong ito sa opisina ni Mayor Remollo.

Ang marine conservation organization na STEWARDS ay naghain ng kanilang mga satellite images at maging ng resulta ng kanilang field survey noong nagdaang taong 2020 upang makapagbigay ng datos patungkol sa mga pagkasira at kapahamakan na maaaring dalhin ng naturang proyekto. Ayon sa grupo, 62.5% ng seagrass (36.15 ektarya) at 60.58% ng coral at reef (36.2 ektarya) ang masisira ng proyekto.

Nagdagdag ng datos ang Philippine Association of Marine Sciences (PAMS), na nagsabing direktang apektado ang 150 specie ng coral; 200 specie ng isda, kasama na ang mga pating at iba’t ibang uri ng pagi; siyam na specie ng seagrass; at 20 specie ng mangrove.

Nagbabala rin ang #NoTo174Dumaguete, isang koalisyon ng mga organisasyong tumututol sa proyekto, na ang reclamation activity na ito ay magpapatindi ng mga pagbaha sa lugar dahil ang pagtatayo umano ng isang artipisyal na isla ay lubhang makaaapekto sa daloy ng mga ilog at sapa.

8 thoughts on “PARA SA DUMAGUETE”

  1. 853619 10541This web site is actually a walk-through it genuinely is the data you desired relating to this and didnt know who ought to. Glimpse here, and youll undoubtedly discover it. 392608

  2. 608355 754614Excellent paintings! This really is the kind of information that should be shared around the web. Disgrace on Google for now not positioning this publish upper! Come on more than and speak more than with my internet site . Thanks =) 412208

  3. 187212 867032Hi my friend! I want to say that this post is awesome, good written and consist of almost all significant infos. Id like to see much more posts like this . 336796

  4. 569083 186616This write-up is very appealing to thinking people like me. Its not only thought-provoking, it draws you in from the beginning. This really is well-written content material. The views here are also appealing to me. Thank you. 883470

Comments are closed.