(Para sa eleksiyon) 40 ARAW NA PANALANGIN INILUNSAD

CBCP-2

INILUNSAD na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kampanya nito para sa 40-araw na panalangin at pagninilay-nilay upang maipaunawa at matulungan ang publiko na pumili ng mga iboboto sa hahalan sa Mayo 9, alinsunod sa pamantayan ng Diyos.

Ayon kay Caritas Philippines Executive Secretary Father Antonio Labiao, Jr., magpapatuloy ang kanilang kampaya para sa voter’s education programs upang itulak sa mga botante ang pagkonsidera sa mabuting pamumuno sa bansa.

Aniya, sa loob ng 40-araw ay sisikapin ng CBCP na maikampanya ang pangangailangan na makilala muna ng mga botante ang bawat kandidato upang hindi sila boboto dahil lang sa dikta o nakita sa social media.

“In 40 days, sana meron tayong magagawa. We can reach out to more people. Ang importante na ang voters natin, makilala nila nang lubos kung sino ‘yung mga kandidato para hindi lang tayo nagboboto dahil inutusan tayong bumoto at dahil lang nakuha natin sa social media,” ayon kay Labiao.

Iginiit pa ni Labiao na mahalaga ring tumanggi sa pagbebenta o pagbili ng boto upang hindi mabawasan ang kasagraduhan nito.

“Sana ‘wag tayong bumoto na dahil merong pera na kapalit ito or else we lose already the sacredness of our vote, we surrender our power, wala na tayong karapatan magsalita kasi binenta na natin ‘yung ating kapangyarihan,” dagdag ng pari.

Nauna ring sinabi sa pastoral letter ni CBCP president at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na ang pagbebenta ng boto ay maituturing na mabigat na paglabag laban sa Diyos.

“Each vote is important, so important that it is sought, bought and even stolen. Our vote is our voice and decision. When we sell our vote, we lose our voice and decision. It is like giving up our freedom and our future,” diin ng Obispo. JEFF GALLOS