ANG Philippine telecommunication industry ang nag-alok ng pinakamalaking suweldo para sa entry level positions noong 2021, ayon sa online job portal JobStreet.
Sa datos na inilathala sa Salary Report 2022 ng JobStreet ay lumitaw na para sa entry level positions, ang telecommunications industry ay nagkaloob ng pinakamataas na median salary na P20,000.
Sumunod dito ang computer and information technology industry na may P19,500; communication service na may P19,500; consulting na may P19,000; at ang insurance and electrical/electronics industries na kapwa may P17,000.
Ang iba pa na bumubuo sa top 10 ay ang hospitality and manufacturing industries na may P15,500; consumer goods, P15,000; at banking and finance na may P14,600.
Pagdating sa specializations, ang education o training at healthcare industries ay kapwa may pinakamataas na entry level median salary na 23,877; kasunod ang computer and information technology na may P20,700; at services na may P20,000.