MATAPOS kumpirmahin ng Department of Health na mayroon nang community transmission ng coronavirus Delta variant, iminungkahi ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pagkakaroon ng national Quick Response (QR) code para sa epektibong contact tracing sa mga Covid-19 positive.
Ayon kay Marcos, mapabibilis ng QR codes ang trabaho ng contact tracers sa pag-locate at pagkuha ng mga detalye ng hinihinalang nahawahan ng coronavirus.
“Dahil may community transmission na ‘yung Delta variant, lalong dapat nating madaliin ang paghahanap sa mga contacts ng mga nagpositibo para agad ding madala sa mga ospital o isolation facilities kung may nahawaan man sila. Kung may national QR code, mapapadali ang paghahanap ng mga contact tracers,” ayon sa dating senador.
“Sa mga malls, may kanya-kanyang QR codes ‘yung iba’t ibang mga tindahan sa loob pati sa ibang mga probinsiya, may mga QR codes din sila at nakita nila na mas napapadali ang contact tracing,” dagdag nito.
Binigyang diin ni Marcos na kahit na nakatakdang ilunsad ang Department of Information and Communications Technology (DICT) VaxCertPH, ang portal para sa pag-iisyu ng COVID-19 vaccination certificates bilang pagsunod sa requirements ng World Health Organization (WHO) na may QR codes, milyong Pilipino pa rin ang hindi pa bakunado.
Samantala, nanawagan din si Marcos na pagkalooban ng Special Risk Allowances, ang mga contact tracer na katulad din ng frontline healthcare workers, dahil sila rin ay nakakahalubilo ng mga taong maaring nahawahan ng mga nagpositibo sa COVID-19.
“Ang mga contact tracers, gaya ng mga health care workers, ay para ding mga sundalo na lumalaban sa giyera. Ngunit sa kabila ng malaking risk na kinahaharap nila, sila ay overworked, underpaid at underequipped. Kaya ngayon panahon na naman para ayusin ang national budget para sa isang taon, sana magkaroon ng dagdag na allocation para mabigyan din ng SRA ang mga contact tracers. Huwag nating pabayaan ang ating feontliners laban sa Covid-19 dahil maaaring mag-collapse ang healthcare system ng bansa kapag na-overwhelm sila,” diin pa nito.
716810 945812Absolutely composed content material , thankyou for information . 251001
317451 690701Quite very good post, thanks a lot for sharing. Do you happen to have an RSS feed I can subscribe to? 254127
13828 833595Youre so cool! I dont suppose Ive learn anything like this before. So good to find any person with some authentic thoughts on this topic. realy thank you for starting this up. this website is something that is wanted on the internet, someone with a little bit originality. beneficial job for bringing something new towards the internet! 207479