NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang pondo mula sa bilyon-bilyong pisong Road User’s Tax para sa flood control projects sa Bicol na matinding nakaranas ng flashfloods at landslides bunsod ng bagyong Usman.
Sa post disaster briefing sa Pili, Camarines Sur, tiniyak ni Pangulong Duterte na mga Bicolano ang unang makikinabang sa pondo sakaling ilabas ito.
Iginiit din ng Pangulo ang kanyang pagsuporta sa pagbuwag sa Road Board dahil umano sa malawakang korupsiyon sa ahensiya.
“Kausapin ko si Senate President at Speaker, wala ako objection kung tatanggalin, it cannot remain,” pahayag ni Duterte. DWIZ 882
Comments are closed.