(Para sa fresh grads) TOP 10 NA TRABAHONG ‘IN DEMAND’

Philip Gioca

INILABAS ng recruitment portal Jobstreet ang listahan ng 10 in-demand na trabaho para sa mga bagong graduate sa 2021.

Nangunguna ang education (21 percent) na nananatiling ‘top specialization’ na sasalubong sa mga bagong graduate pangunahin sa pamamagitan ng ESL o English bilang second language; business process outsourcing/customer service (14 percent) na ikalawang pinakamalaking jobs contributor; no. 3 ang clerical/administrative support (9 percent); no. 4 ang general work  (7 percent), kabilang ang housekeeper, driver, dispatch atbp.

Panlima ang healthcare (7 percent); pang-anim ang security/armed forces (5 percent); no. 7 ang general/cost accounting (3 percent); no. 8 ang sales (2 percent); no. 9 ang banking and finance (2 percent); at no.10 ang agriculture (2 percent).

Ayon sa Jobstreet, sa mga trabahong bukas sa mga bagong graduate, 3 percent ang nag-aalok ng work-from-home arrangements habang 97 percent ang onsite.

“In 2021, we observed from the monthly average total of job vacancies in JobStreet that 29 percent are for positions that require less than a year of experience. So, our new graduates must submit job applications to as many companies as possible for more chances of landing their first job,” pahayag ni JobStreet Philippines Country Manager Philip Gioca.

Ayon pa sa recruitment portal, pagdating sa lokasyon, ang National Capital Region ang may pinakamalaking bilang ng vacancies para sa fresh graduates sa 34 percent, sumusunod ang Calabarzon at Mimaropa, Central Luzon, Western Visayas, at  Central Visayas.

Sinabi ni Garcia na posibleng manatili ang remote work dahil sa nagpapatuloy na pandemya.

Ayon pa sa Jobstreet, mahigit 16,000 remote jobs ang nasa portal na ang karamihan ay virtual assistants, online teacher at customer service representatives na tumatanggap ng mga aplikante na may wala pang isang taon na karanasan.

6 thoughts on “(Para sa fresh grads) TOP 10 NA TRABAHONG ‘IN DEMAND’”

  1. 782291 887492Youre so cool! I dont suppose Ive learn anything like this before. So nice to uncover any person with some authentic thoughts on this subject. realy thank you for starting this up. this site is something that is wanted on the internet, someone with a little bit originality. valuable job for bringing something new to the web! 781219

Comments are closed.