PORMAL na nilagdaan nina Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez at University of Mindanao President Dr. Guillermo Torres Jr. ang isang Memorandum of Understanding (MOU) para sa kooperasyon sa paglikha at pagpapatupad ng grassroots sports development sa Mindanao sa pamamagitan ng University of Mindanao nitong Martes sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.
“I’m very happy with such a visionary leader like Dr. Torres. He’s an educator, racer, and former track and field athlete. I think we must respond to his vision.” wika ni Chairman Ramirez.
“This is historic for us to partner with the Philippine Sports Commission. We initiated the grassroots development track and field oval. In fact, we already had several small meets for elementary and high school even before the pandemic and we had support from the PSC. We just want to expand it on a wider scale so that one of these days, it’ll be a track and field of champions and superstars from Davao and Mindanao” sabi naman ni Dr. Torres matapos ang MOA signing.
Sa ilalim ng kasunduan, ang PSC ay magkakaloob ng kinakailangang technical at financial support para sa paglikha at implementasyon ng grassroots sports development policies, programs, projects, at activities para sa University of Mindanao, at magsasagawa ng mga hakbang para sa pagpapatuloy ng mga proyekto.
Samantala. ang University of Mindanao naman ang bubuo, sa pakikipagtulungan sa PSC, ng mga polisiya, programa, proyekto, at aktibidad para sa University of Mindanao, magkakaloob ng training center/venues para sa pagbuo at pagpapatupad ng joint programs, projects, at activities at maghahanap ng resources tulad ng venues, local transportation, at iba pang kinakailangang tulong para maisakatuparan ang mga layunin.
Inanunsiyo rin nina Ramirez at Torres ang pagdaraos ng Mindanao Invitational Athletics Tournament — isang joint project na gaganapin sa May 30 sabnewly refurbished track facility.
“This is an Olympic sport and for the longest time wala na tayong homegrown track and field athlete, we would like to encourage people to get into the sport kasi there are many Filipino talents among us. We are very happy with this initiative.” ani Ramirez.
Dumalo rin sa MOA signing sina PSC Commissioners Celia Kiram, Arnold Agustin, at Charles Raymond Maxey, kasama sina Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr, Deputy Executive Director Merlita Ibay, Dir. Christine Abellana at Chief of Staff and National Training Director Marc Edward Velasco. CLYDE MARIANO