INIHAYAG ni Speaker Martin G. Romualdez ang pag-apruba ng Kamara sa ilang institutional amendments sa bersiyon nito ng 2023 General Appropriations Bill (GAB), partikular ang pagdaradag ng kabuuang P77-5 bilyong pondo na magagamit ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para sa pagpapatupad ng mga programang pang-edukasyon, kalusugan, transportasyon at iba pang kinakailangang social services.
Ayon kay Romualdez, sa pagsusulong ng Lower House ng pag-amyenda sa lalamanin ng proposed P5.268 trillion 2023 GAB, bago ang ganap nilang pagratipika rito, napagkasunduan na madagdagan ang badyet ng ilang frontline agencies sa layuning mapalakas ang ekonomiya ng bansa at matugunan ang health, energy at environmental crisis na nagpapahirap sa maraming Pilipino.
Tinukoy ng lider ng Kamara ang mga amendment na ito, na kinabibilangan ng mga sumusunod:
▪ P20.25-billion para sa mga programa ng Department of Health (DOH), gaya ng Medical Assistance for Indigent Patients (P13-B); allowances para sa healthcare at non-healthcare workers/frontliners (P5-billion); additional funding para sa Philippine Heart Center (PHC), Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute at Philippine Children’s Medical Center (P500-million each); para sa 10dialysis assistance centers sa iba’t-ibang bahagi ng bansa (P270-million o P27-million each); Cancer Assistance Program (P250-million);
▪ P500-million para sa UP-PGH;
▪ P10-billion para sa Department of Education (DepEd) na gagamitin sa building/classroom constructions (P10-billion) at special education programs (P581-million);
▪ P10-billion sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagpapagawa ng water systems sa mga underserved upland barangay;
▪ P12.5-billion sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (P5-billion); P5-billion para sa upgrading ng senior citizens’ pension na pamamahalaan ng National Commission of Senior Citizens; at sa Sustainable Livelihood Program nito (P2.5-billion);
▪ P5.5-billion sa Department of Transportation (DOTr) para sa fuel subsidy program, Libreng Sakay at bike lane construction nito;
▪ P5-billion para sa training and scholarship programs ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA);
▪ P5-billion para sa ‘Tulong Dunong’ program ng Commission on Higher Education (CHED;
▪ P5-billion para sa livelihood and emergency employment programs ng Department of Labor and Employment (DOLE);
▪ P1.5-billion para sa National Broadband Project ng Department of Information and Communications Technology (DICT);
▪ P500-million para sa konstruksiyon ng bagong building ng Commission on Elections (Comelec);
▪ P300-million sa Philippine National Police (PNP) para sa training ng law enforcement officers nito na isasagawa ng Department of Justice (DOJ) at National Prosecution Service (NPS);
▪ P250-million sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagtulong sa mga kabilang sa creative industry, base sa isinasaad ng Republic Act 11904;
▪ P150-million para sa Energy Regulatory Commission (ERC);
▪ P147-million sa Office of the Solicitor General (OSG); at
▪ P50-million sa National Electrification Administration (NEA) program na Barangay and Sitio electrification.
“I’m pleased that the House-approved version of the General Appropriations Bill responds to the most urgent needs of Filipinos. We need to ensure that social services are sufficient for the greater good of our countrymen, especially those in dire need of basic social services to survive,” sabi ni Romualdez.
Samantala, nabatid na ang malaking bahagi ng idinagdag na pondo sa nabanggit na mga ahensiya ay mula sa proyekto ng DOTr, partikular ang tinapyas na P50 billion para sana sa Metro Manila Subway Project at North-South Railway Commuter.
Subalit sa kabila nito, tiniyak naman ng Kamara na hindi mababalam ang pagpapagawa sa iba pang nakalinyang major infrastructure projects ng gobyerno at magtutuloy ang naitakdang 2023 target o inilatag na timetable sa mga ito.
ROMER R. BUTUYAN