(Para sa inagurasyon ni BBM) NATIONAL MUSEUM ININSPEKSYON NG PNP

PINANGUNAHAN ni Philippine National Police (PNP) Director For Operations Police Major General Valeriano de Leon ang pag-iinspeksyon ng National Museum sa Maynila kahapon ng tanghali.

Ito’y bilang paghahanda sa seguridad sa inagurasyon ni President-Elect Bong Bong Marcos sa Hunyo 30 na idaraos sa naturang Museo.

Ayon kay de Leon, bahagi rin ng paghahanda para sa seguridad ang pakikikipag-coordinate ng PNP sa Local Government unit para sa implementasyon ng ‘no permit- no rally.’

Ayon kay de Leon, pinasisiguro ni PNP Officer in Charge Police Lt. General Vicente Danao Jr. na handa ang PNP para sa anumang possibleng senaryo.

Una nang sinabi ni de Leon na mahigit 2,000 pulis ang idedeploy sa Maynila para sa seguridad.

Bukod dito, nakahanda rin aniya ang mga pulis mula sa Police Regional Office (PRO) 4 at PRO 3, bilang standby Force. EUNICE CELARIO