ABALA ang mga mag-aaral sa linggong ito dahil sa preparasyon para sa pagdiriwang ng Teachers’ Day.
May iba-ibang pakulo ang mga estudyante para ipakita ang kanilang pagkilala sa kanilang mga guro.
Ang Teachers’ Day ay espesyal na araw para parangalan ang mga itinuturing na ikalawang magulang ng mga mag-aaral.
Ang mga guro ang katuwang ng mga magulang sa magandang paghubog sa kabataan.
Mahigit sa anim na oras ang inilalagi ng mga mag-aaral sa paaralan upang matuto.
Sa espesyal na araw na ito ay marapat na parangalan ang ating mga guro, si Ma’am, sir. Prof. na napakalaking ambag sa paghubog ng ating pagkatao.
Silang mga titser ay katulad ng ating mga magulang, na sa paglipas ng panahon kahit pumanaw na ay hindi nalilimutan.
Salamat po Titser, Ma’am, Sir.