CEBU- MAGKAKAROON na ng kauna-unahang Regional Rehabilitation Center for Youth (RRCY) na nakalaan para sa kababaihan sa lalawigang ito.
Kasunod ito ng paglagda sa isang usufruct agreement ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at pamahalaang panlalawigan ng Cebu para sa paggamit ng pasilidad ng LGU Regional Rehabilitation Center for Youth (RRCY).
Sa ilalim nito, pinapahintulutan ang DSWD na gamitin at gawing RRCY para sa mga kababaihan ang gusali ng Bahay Pag-Asa na matatagpuan sa Barangay Inayagan, Lungsod ng Naga hanggang 2034.
Sa sandaling mabuksan ito, hanggang sa 50 batang babae ang maaaring ma-accomodate sa pasilidad na tutulong para sa kanilang rehabilitasyon.
Magkakaroon ito ng admission room, staff rooms clinic, kitchen at mess hall, persons with disabilities-inclusive bedroom at bathroom, bedrooms, prayer room, isolation room, at isang Intensive Juvenile Intervention and Support Center room.
P ANTOLIN