NEW YORK, USA- NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng mga lider at miyembro ng United Nations na suportahan ang pagnanais ng Pilipinas na maging miyembro ng makapangyarihang UN Security Council.
Sa kanyang talumpati sa panghapong session ng 77th UN General Assembly dito, sinabi ng Punong Ehekutibo na kumpiyansa siya na malaki ang maiaambag ng Pilipinas sa nasabing lupon na sakop ng UN.
“My country’s experiences in building peace and forging new paths of cooperation can enrich the work of the Security Council,” ayon kay Marcos.
Tiniyak din ni Marcos ang kandidatura ng bansa at sakaling matanggap ang suporta ng UN members ay aayusin ang kanilang termino para sa 2027-2028.
“And to this end I appeal for the valuable support of all UN Member States for the Philippines’ candidature to the Security Council for the term 2027-2028,” dagdag pa niya.
Ang UN Security Council ang siyang nangangasiwa para sa international peace and security at responsable rin kung saan at kailan magpapatupad ng deployment ang UN peace operation.
Ang mga permanent members nito ay China, France, Russian Federation, United Kingdom at United States.
Sa kasalukuyan, ang mga miyembro nito ay ang Albania, Brazil, Gabon, Ghana, India, Ireland, Kenya, Mexico, Norway, at United Arab Emirates.
Noong 2004 hanggang 2005, sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ay naging miyembro nito ang Pilipinas.
Tiniyak naman ng Pangulo na karapat-dapat ang Pilipinas para maging miyembro ng UN Security Council dahil sa matagumpay nitong peacekeeping efforts at isa sa halimbawa nito ay ang paglikha sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao.
“The peace that we have forged after many decades of conflict among warring factions and clansmen demonstrates that unity is possible even in the most trying circumstances,” ayon kay Marcos.
Ang open communications at consultations aniya ang susi para sa katahimikan sa bansa at makamit ang kapayapaan at kaligtasan.
“Inclusive dialogue involving all stakeholders, including women, the youth, faith leaders and civil society, conducted with patience and good faith has produced a credible and solid foundation for self-government that paves the way for lasting peace and sustainable development,” dagdag pa ng Pangulo.
EVELYN QUIROZ