(Para sa mas mabilis na disaster response) $500-M LOAN NG PH APRUB SA WORLD BANK

INAPRUBAHAN ng World Bank (WB) ang $500 milyong inutang ng Pilipinas para tulun­gan ang bansa na mas mabilis na maisaayos ang mga eskuwelah­an, health facilities at bahay matapos ang kalamidad.

Sa ilalim ng Phil­ippines Disaster Risk Management and Cli­mate Development Policy Loan with a Catastrophe Deferred Drawdown Option, ang pamahalaan ay mayroon na ngayong pondo para muling itayo ang mga nap­insalang eskuwelah­an, health centers, at bahay matapos ang mapaminsalang mga bagyo.

“The real benefit of this support is its ability to rapidly de­liver crucial services – such as healthcare, shelter, and food – to those most impacted by disasters or climate events,” sabi ni Ndiamé Diop, ang World Bank’s Country Director for Brunei, Malaysia, Philippines, and Thailand.

“It’s about making sure the people who have the least are taken care of and can bounce back immediately after these disaster events,” dagdag pa niya.

Ang pondo ay maaaring ilabas sa sandaling ideklara ng Philippine president ang state of calamity bilang tugon sa natural disaster o public health emergency.

Ang buong halaga ng financial support ay magiging available sa loob ng tatlong taon.

Ang loan ay may­roon ding revolving feature, at ang three-year drawdown period ay maaaring i-renew ng hanggang apat na beses, para sa kabuuang maxi­mum period na 15 taon.

Sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2022 ng dalawang German institutions ay lumabas na ang Pili­pinas ang ‘most disas­ter-prone country’ sa mundo.