CAMP CRAME- KASUNOD ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na disiplinahin ang publiko upang masunod ang social distancing, pananatili sa bahay at pagsusuot ng face mask, inirekomenda ni Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, PNP Deputy Chief for Administration, na gamitin ang barangay officials at bumuo ng Barangay Enforcement Team (BET) na laan para lamang sa nasabing layunin.
Sinabi ni Cascolan na ang BET ay pangangasiwaan pa rin ng pulis habang upang mas maging epektibo maaari rin aniyang hingin ang serbisyo ng babaeng barangay official, kagawad at kababaihan sa barangay na siyang didisiplina sa mga pasaway.
Gayunman, may requirement aniya ang pagtatalaga sa lady BET at ito ay dapat respetado sa barangay, may edad at may motherly image para mapasunod ang kaniyang sasawatain.
Pangunahing gagawin ng babaeng BET o ‘mayora’ ay huhuli sa mga pasaway na kabarangay at magdidisiplina.
Gayunman upang maging ligtas ang lady BET o mayora mula sa pananakit ay eeskortan ang mga ito ng mga lalaking barangay officials.
Sakaling masaktan sa mga nanlalaban, maaaring makasuhan ang pasaway.
Naniniwala si Cascolan na magiging epektibo ang pagpapatupad ng “motherly approach” sa mga pasaway dahil tried and tested niya ito noong siya ay hepe ng Taguig Police.
Aniya ang malananay na taga-disiplina ang naging katuwang niya noon para maging maayos, ligtas at maunlad ang Palar Village na kilala noon na magulo at pinaglulunggaan ng criminal. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.