Pansamantala ititigil ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng mga guarantee letter simula Disyembre 13.
Ito ay upang maituon ng ahensiya ang pag-aasikaso sa mga kinakailangan dokumento para mabayaran ang mga service provider na nagsisilbing partner nito.
Paliwanag ni DSWD spokesperson Irene Dumlao, hindi na muna makapagbibigay ng GL sa mga may pangangailangang medikal gayundin sa funeral expenses na nagkakahalaga ng P10,000 pataas.
Hindi naman aniya ito nangangahulugan na wala nang pondo ang ahensiya kundi ay kailangan lamang pagtuunan ang iba pa nitong mga responsibilidad.
Tiniyak din na kapag naayos na ang lahat ng obligasyon ng DSWD sa mga service provider, magbibigay na uli ang ahensiya ng mag guarantee letter sa mga nangangailangan.
Magpapatuloy pa rin ang ibang programa ng DSWD na pagtulong sa mga nangangailangan tulad ng pagkakaloob ng cash sa ilalim ng Assistance to Individual Crisis Situation (AICS).
JUNEX DORONIO