(Para sa mga bakwit ng Mayon) EMERGENCY CASH TRANSFER IPATUTUPAD

ALBAY- TINALAKAY ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol Regional Office sa iba’t ibang Local Social Welfare and Development Officers (LSWDOs) ng mga local government units (LGUs) ang pagpapatupad ng Emergency Cash Transfer (ECT).

Layon nitong tulungan ang mga apektado ng pagputok ng Mayon para talakayin ang hakbanging isasagawa para sa evacuees.

Ang pagpapatupad ng ECT ay magbibigay-daan sa evacuees na matugunan ang kanilang pinakamahihirap na pangangailangan tulad ng pagkain at gamot, bukod sa iba pa sa panahon ng disaster response phase.

Tinalakay din ng mga ito ang tungkol sa koordinasyon ng kampo at pamamahala gayundin ang patuloy na pagsisikap sa proteksyon para sa mga evacuees. PAULA ANTOLIN