(Para sa mga biktima ng dengue) PHIL. ARMY NAMAHAGI NG DUGO

dugo

DALAWANG Philippine Army Infantry Division ang nag-donate ng dugo kaugnay sa inilunsad na giyera kontra Dengue nang magdeklara ang pamahalaan ng National  Dengue Epidemic sa buong bansa.

Ayon kay Brig.Gen. Arnulfo Burgos ng Philippine Army 2nd Infantry Jungle Fighters Division na umaabot sa 74,700 cubic centimeters na dugo ang nakolekta ng mga tauhan ng Department of Health (DOH) at Philippine Red Cross (PRC) mula sa mga sundalong nakatalaga sa Southern Tagalog na tumugon sa panawagan ni Philippine Army Chief Lt Gen Macairog S. Alberto.

“Your soldiers are one with the DOH in their anti-dengue campaign. We are encouraging our soldiers to adopt the 4 o’clock habit that is to go out, search and destroy mosquito breeding sites”, ani  Burgos.

Gayundin, katulad ng Army 2nd ID ay naglunsad din ng bloodletting activities sa iba’t ibang unit ang Army 7th infantry Division sa pangunguna ni Brig. Gen. Lenard Agustin na umaabot sa mahigit 71,900 libong cubic centimeter ng dugo ang kanilang nakuha mula sa iba’t ibang donor sa pangunguna ng kanilang mga sundalo.

Tiniyak pa ni Agustin, madaragdagan pa ang 71 libong c.c ng dugo na kanilang naipon para matugunan ang kakula­ngan ng dugo bunsod ng Dengue outbreak sa mga lalawigang kanilang nasasakupan.

“More blood donations are expected, as other units under 7ID still have blood-letting activities scheduled to be conducted in the next few days,” ani Agustin.

“As soldiers, donating blood when we are qualified and able, is the least we can do for our fellow Filipinos suffering from the virus,” dagdag pa ng opisyal. VERLIN RUIZ

2 thoughts on “(Para sa mga biktima ng dengue) PHIL. ARMY NAMAHAGI NG DUGO”

Comments are closed.