MEDYO naaliw tayo sa isang private message ng isang kaibigan kaya hayaan ninyong mai-share ko ito sa inyo. Heto ang kanyang mensahe:
“Sa mga galit kay Duterte, gawin n’yo ang mga sumusunod:
1. Kung may driver’s license kayo, at magre-renew kayo, huwag kayong papayag na 5 years ang expiration ng lisensiya n’yo. Sabihin n’yo sa LTO na 3 yrs lang ang gusto n’yo dahil galit kayo kay Duterte!
2. Kung passport holder kayo, sabihin n’yo sa DFA na 5yrs lang dapat ma-expire na ang passport n’yo, kasi ay ginawa nang 10 years ang expira-tion nito ni Duterte!
3. Huwag na kayong pumunta at maligo sa Boracay ngayong malinis na ito dahil si Duterte ang may pakana nito! At pilit hinarangan ng matino na si Trillanes ang pagsasara upang linisin ito at may hallucination pa siyang pagtatayuan lang ito ng casino! Ngayong pinabuksan na ulit, may casino ba?
3. Kung maospital kayo o mga kamag-anak n’yo, kahit libre na, magbayad kayo, ha? Kasi si Duterte din ang nagpapali-bre nito e! Ipakita n’yo ang galit n’yo kay Digong sa pamamagitan ng pagbabayad sa libreng hospitalization!
4. Huwag kayong gumamit o dumaan, pumunta sa mga integrated terminals, airports, highways, bridges na gawa na at mga proyektong hindi nata-pos ng nagdaang administration na ipinagpatuloy ni Duterte! Ipakita n’yo na ayaw n’yong gumamit sa proyekto niya dahil galit nga kayo sa kanya, e!
5. Kayong mga kabataan na gustong mag-aral ng kolehiyo sa State Universities and Colleges, magbayad kayo ng tuition n’yo, ha? Kasi, pinalibre na ni Duterte ito e at pilit na inangkin ni Bam Aquino na siya ang unang may akda raw nito kahit mas una pa si Bongbong Marcos dito!
6. Kung OFW kayo, huwag kayong gumamit sa one-shop ng government offices kung saan iisang lugar na lang ang pu-puntahan n’yo para i-process ‘yung mga papeles n’yo. Ipakita n’yo ang galit n’yo kay Digong sa pamamagitan ng pag-punta n’yo sa iba’t ibang lugar ng mga ahensiyang pagku-kuhanan n’yo ng mga papeles n’yo, hane?
7. Kayong mga KADAMAY, ANAKBAYAN, at iba pang progresibong grupong pronte ng CPP/NPA, huwag kayong tumira sa mga pabahay at sa mga lupang ipinamamahagi nang libre ni Duterte, bayaran n’yo ‘yun upang maipakita n’yo ang galit n’yo kay Digong!
8. Kung may kalamidad na dumaan sa bayan n’yo, huwag kayong humingi ng tulong mula sa gobyerno dahil si Duterte pa ang nakaupo ngayon.
Hintayin n’yong matapos na ang kanyang termino saka kayo humingi ng tulong para maipakita n’yo rin ang galit n’yo Kay Duterte!
9. Kayong mga addict, sige, ipagpatuloy n’yo lang iyan. Magpakalulong pa kayo!
Kung mahuli kayo, please, manlaban kayo kasi si Duterte ang tanging presidente na nakipagdigma laban sa droga. La-banan n’yo! Ipakita ninyo rin ang galit sa kanya! Sabihin niyo sa kanya na gusto n’yo nang mawasak ang buhay at pami-lya n’yo! Manlaban kayo tutal ay malawak pa naman ang sementeryo!
10. Kung kailangan n’yo ng tulong, huwag kayong tumawag gamit ang 911 at 8888. Kasi pakana rin ito ni Digong, gamitin n’yo ‘yung ibang maba-gal na linya at action!
11. Huwag kayong magpapadisiplina kay Digong. Mag-istambay kayo sa mga kantong nakahubad at naninigarilyo sa mataong lugar. Hayaan n’yo lang kung may mang-snatch, mang-rape at pumatay, mangholdap, maraming kabataan sa lansangan na nagra-rugby. Ipakita ninyong ayaw n’yo ng pagbabago at gusto n’yo itong dating gawi!”
Marami pa sana akong gustong sabihin kaya lang, ang haba pa e. Marami na kasing nagawa si Duterte sa bansa sa loob pa lamang ng maigsing panahon na pagsisilbi!
Comments are closed.