IKINATUWA ng Malacañang ang ulat na hindi na kabilang ang Filipinas sa top 5 deadliest countries para sa mga mamamahayag ngayong 2018.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, wala na ang Filipinas sa annual report ng Reporters Without Borders.
Naniniwala si Andanar na malaki ang tulong ng pagbuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Presidential Task Force on Media Security dahil mas natutukan ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamahayag sa bansa.
Ngayong taon ay nasa tatlo ang naitalang media killing at patuloy na tinutukan ng task force ang kanil-ang kaso
Comments are closed.