NAGPAALALA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga nagsisimula nang mangaroling at mag-solicit para sa araw ng Pasko.
Ayon kay DSWD Spokesperson, Assistant Secretary Glenda Relova, kahit nakagawian na ang pag-iikot sa mga bahay-bahay para kumanta ng mga awit na pang-Pasko ay ibayong pag-iingat pa rin at patnubay ng magulang ang kailangan.
Aniya, dapat umiwas din sa mga delikadong lugar at huwag magpaabot ng hatinggabi lalo na’t kung may ipinatutupad na curfew sa lugar.
Sa mga nagso-solicit naman, kapag pangmalakihang pondo ang target malikom, marapat lamang na kumuha ng permit sa DSWD.
Comments are closed.