(Para sa mga namatay sa COVID-19) MASS GRAVE SITES HINILING

HINILING ni Caga­yan Governor Manuel Mamba sa kanyang mga kasamahan sa pamahalaang lokal na ikonsidera ang pagnanais nito na magkaroon ng mass grave sites dahil sa patuloy at dumarami ang namamatay sa COVID-19 sa kanilang lalawigan.

Anang gobernador, bagaman nag-aalangan at nakatatakot man itong isipin ay kailangan na umano nang bawat LGU sa kanilang lalawigan at maging sa iba pang kalapit na probinsiya na nakahanda sa anomang posible pang mangyayari sa paglaban sa CO­VID-19 lalo’t patuloy ang pagtaas ng kaso nito.

Aniya, hindi lang umano iisa kundi higit pa ang namamatay sa nasabing virus.

Ayon sa pamunuan ng DOH Region-2, umaabot na umano sa kabuuang 74 ang nasawi mula pa noong makapasok ang nakamamatay na virus sa lalawigan ng Cagayan.

Bukod dito, nakakalungkot din na hindi na umano tumatanggap ang ibang mga pagamutan ng mga pasyenteng dinadala ng kani-kanilang mga pamilya dahil halos puno na sa mga tinamaan ng COVID-19.

Kaya’t ang ibang nagpositibo sa COVID-19 ay napipilitan na i-home quarantine ang kanilang pasyente na sana ay hindi dapat, dahil sa ito ang isa sa maaaring pagmulan ng paglobo ng kaso ng virus.

Kaugnay nito, ipinahayag pa ng gobernador na may nakahandang pondo ang pamahalaang panlalawigan na pambili ng bakuna na nagkakahalagang P50 milyon su­balit, hindi pa magawang makabili ng mga bakuna dahil sa wala pa umanong desisyon ang gobyerno para bumili ang mga lokal na pamahalaan.

Sa sandaling payagan na ang ilang mga LGU na makabili ng vaccine ay magsasagawa sila kaagad na mass vaccination sa gustong magpabakuna para mapigilan ang pagtaas at pagkalat ng salot na virus.
IRENE GONZALES

5 thoughts on “(Para sa mga namatay sa COVID-19) MASS GRAVE SITES HINILING”

  1. 81505 789543You need to be extremely astute at research and writing. This shows up inside your original and exclusive content. I agree along with your primary points on this topic. This content material should be seen by far more readers. 885101

Comments are closed.