(Para sa mga pasyente ng COVID-19) HOSPITALS NASA SAFE LEVELS -DOH

BUMABA  na sa ikinokonsiderang ‘safe levels’ ang hospital bed occupancy rate para sa pasyente ng COVID-19 sa buong bansa.

Ayon sa Department Of Health, ang healthcare usage sa bansa ay bumaba sa 57% na itinuturing na safe level mula sa moderate risk na 64% noong nakaraang linggo.

Bukod dito, bumaba rin sa 70.39 % ang occupancy rate ng Intensive Care Unit (ICU) beds mula sa moderate risk level na 73 porsiyento noong nakaraang linggo.

Nananatili naman sa high risk ang hospital bed occupancy sa apat na rehiyon, partikular sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Zamboanga Peninsula at Bicol.

Samantala, aabot sa 411 ang karagdagang kaso ng Covid-19 Delta variant ang na-detect sa bansa ng DOH.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 747 samples ang nakolekta noong Pebrero, Abril, Mayo, Agosto, at Setyembre at isinailalim sa sequencing noong Oktubre 8.

Sa nasabing bilang, 411 ang Delta, 88 ang Alpha variant at 78 ang Beta variant.

11 thoughts on “(Para sa mga pasyente ng COVID-19) HOSPITALS NASA SAFE LEVELS -DOH”

  1. 906291 56755An intriguing discussion is worth comment. Im certain which you just write regarding this topic, may possibly not be considered a taboo topic but typically persons are too small to communicate on such topics. To yet another. Cheers 43754

  2. 607183 143661This is the very first time I frequented your website page and up to now? I surprised with the analysis you made to create this particular post extraordinary. 625710

Comments are closed.