(Para sa mga pulis na sangkot sa drug recycling) FOUR PREEMPTIVE STRIKE IPATUTUPAD NG NCRPO

drug recycling

IPATUTUPAD ng National Capital Region Police Office ang polisiyang “four preemptive strike” na layong masawata ang mga pulis at opisyal na sangkot sa drug recycling.

Ayon kay NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar, ang unang bahagi ng scheme ay koordinasyon ng NCRPO legal office sa National Police Commission (Napolcom), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Philippine National Police (PNP) para sa monitoring ng mga kaso ng mga pulis na natanggal sa serbisyo.

“’Yung una, gusto natin makipag-coordinate sa agencies na pinupuntahan usually ng nadi-dismiss na pulis para ma-reinstate. Sa Napolcom, sa DILG, or kahit sa office of the PNP, basta ‘yung mga ganu’n ‘yung mga agencies na makakapag-appeal sila,” ani Eleazar.

Ikalawa, ang pagsusuri sa mga nasa serbisyo na may kaso at sangkot sa droga dahil sa imbentaryo ng NCRPO ay may nakalulusot.

Isa pang paraan ay ang umiiral ng “one strike poli­cy” kung saan agad sini­sibak ang pinuno ng drug enforcement unit at police station na guilty sa drug recycling.

At ang panghuli, ayon kay Eleazar ay ang pagpapaigting ng NCRPO Quad-Intel Force na binubuo ng PDEA, NBI at AFP para i-monitor ang pagkadawit ng ilang tauhan ng gob­yerno sa kalakalan ng ilegal na droga. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.