PORMAL nang naupo bilang National Board of Canvassers (NBOC) ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) upang bilangin ang mga boto para sa mga senador at partylist group sa katatapos na eleksyon.
Matapos na mag-convene ay sinuspinde rin ang sesyon pero magtutuloy-tuloy na ang pagtanggap ng NBOC electronic transmission ng certificate of canvass at printed copy nito mula sa city, municipal at provincial board of canvassers.
Ang mga boto para sa senatorial at partylist representatives lamang ang bibilangin ng NBOC na nasa Philippine International Convention Center (PICC).
Ang mga boto para sa presidential at vice presidential ay bibilangin ng National Board sa joint session sa House of Representatives.
Target ng Comelec na makapagproklama ng mga nanalong senador at partylist groups sa loob ng lima hanggang pitong araw.
Bago ang suspensiyon ay natapos na rin ang pagbubukas at pag-inspeksyon sa laman ng malaking plastic box na pinaglagyan ng laptop at iba pang gamit para sa consolidation and canvassing system o CCS na gagamitin sa pagbibilang ng mga boto na ibabato sa NBOC ng city, municipal at provincial board of canvassers.
Nagkaroon din ng tinatawag na initialization sa CCS at nasaksihan ng Board at ng mga kinatawan at abogado ng iba’t-ibang partido pulitikal na dumalo na gumagana ito. JEFF GALLOS