(Para sa mga taga-Maranao) MARAWI, IBANGON MULI

PANAHON na upang muling makapamuhay nang payapa ang mga residente ng Marawi City na nawalan ng tirahan at mga ari-arian sa limang buwang digmaan noong 2017.

Ayon kay Senador Sonny Angara, bagaman nagwagi ang puwersa ng pamahalaan sa naturang sigalot, marami naman ang nagbuwis ng buhay at ma­rami rin ang nagdusa dahil sa pangyayari.

Aniya, higit 1,000 indibidwal ang namatay mula sa hanay ng sundalo at mga terorista at tinata­yang P17B halaga naman ng mga ari-arian at negos­yo ang nasalanta.

Umaabot naman, ani Angara sa mahigit 300,000 katao ang nawalan ng tahanan dahil sa sigalot, bagaman bumaba na ito sa 126,000, base sa report ng United Nations nitong 2020.

“Ang pinakamalaking casualty sa digmaang ‘yan ay ang pangarap at pag-asa ng mga kababayan nating Maranao,” anang senador.

Bilang chairman ng Senate Committee on Finance, isinusulong ngayon ni Angara ang Senate Bill 2420, o ang panukalang batas na naglalayong pagkaloo-ban ng karampatang kompensasyon ang mga biktima ng Marawi City siege. Ito ay upang matulungang makabangon at muling makabuo ng panibagong tahanan ang mga biktima.

Sa ilalim ng naturang panukala, dapat pagkalooban ng tax-free mone­tary compensation ang mga residente at ang mga nagmamay-ari ng cultural o commercial structures na matatagpuan sa mga lugar na binayo ng digmaan o Most Affected Areas (MAA) at Other Affected Areas (OAA).

Nabatid na 24 barangay ang itinuturing na MAA na kinabibilangan ng Lumbac Madaya, South Madaya, Raya Madaya 1 and 2, Sabala Amanao, Sabala Amanao Proper, Tolali, Dagudu-ban, Norhaya Village, Banggolo Poblacion, Bubong Madaya, Lilod Madaya, Dansalan, Datu sa Dansalan, Sangkay Dansalan, Moncado Colony, Moncado Kadilingan, Marinaut West, Marinaut East, Kapantaran, Wawalayan Marinaut, Lumbac Marinaut, Tuca Marinaut at Datu Naga.

Sakop naman ng OAA ang walong barangay na kinabibilangan ng Saduc Proper, Panggao Saduc, Raya Saduc, Lilod Saduc, Datu Saber, Bangon, Fort at Wawalayan Caloocan.

Tatanggap din ng bayad-pinsala ang mga nagmamay-ari ng private properties na sumailalim sa demolisyon kaugnay ng pagpapatupad Marawi Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Program.

Bagaman marami nang imprastrakutra ang natapos ng gobyerno tulad ng mga reconstruction ng mga kalsada, mosque, mga tulay, government buil­dings, health centers, at madrasah, marami pa rin sa mga residente ang hindi pa nakababalik dahil hindi pa natatapos ang konstruk­syon ng kanilang mga bahay.

Nakasaad pa rin sa panukala ang paglikha sa Marawi Compensation Board na tatayong admi­nistrator at mangangasiwa sa maayos na distribusyon ng compensation claims.

Ang Board ay bubuuin ng 9 na miyembro, kung saan, ang tatlo rito ay kasapi ng Philippine Bar. Mas makabubuti rin na ang mga ito ay Maranao lawyers na may limang taong legal prac-tice. Kabilang din sa gagawing Board members ang isang lisensyadong doktor, isang certified public accountant, isang educator at isang lisensyadong civil engineer.

Sa darating na Oktub­re 23, ipagdiriwang ang ikaapat na taong pagwawakas ng Marawi City siege. VICKY CERVALES

5 thoughts on “(Para sa mga taga-Maranao) MARAWI, IBANGON MULI”

  1. 917323 656359Hello there! Do you know if they make any plugins to protect against hackers? Im kinda paranoid about losing everything Ive worked hard on. Any suggestions? 358448

  2. 524702 394019This web website is normally a walk-through its the info you wished about this and didnt know who ought to. Glimpse here, and youll undoubtedly discover it. 200411

  3. 805182 569214Spot lets start work on this write-up, I truly believe this amazing internet site requirements considerably much more consideration. Ill apt to be once once again to read a great deal more, several thanks for that info. 252993

Comments are closed.