(Para sa Midterm election) 3 BATALYONG SUNDALO DUMATING NA SA BULACAN

sundalo

BULACAN- KARAGDAGANG tatlong batalyon ng sundalo mula sa 7th Infantry Division Philippine Army, lulan ng limang 6×6 trucks, ang dumating sa Bulacan PNP Provincial Head quarters sa Camp Gen. Alejo Santos.

Sa report ni PNP Provincial director P/Col Chito Bersaluna, nasa 85 bilang ng mga sundalo at 1,805 na PNP Personel ang ide-deploy sa iba’t ibang mga bayan upang matiyak ang seguridad ng mga botante sa dara­ting na halalan.

Pansamantalang gagamitin ng Provincial Election Monitoring Center (PEMAC) na pamumuan ni P/Capt. Quiros ang PNP-PHQ Conference  room.

Ayon kay Quiros, may color coding ang iba’t ibang mga bayan tulad ng yellow na ang ibig sabihin ay election areas of concern kung saan mayroong 9 na bayan tulad ng Marilao, DRT, Bocaue, Obando, Pandi, Hagonoy, Norzagaray, Sta. Maria,a t Guiguinto.

Habang ang orange  naman ay immediate concern na mayroong apat na bayan kabilang dito ang Baliwag, San Miguel, San Rafael at San Ildefonso at red na ang ibig sabihin ay  grave concern o most attention sa halalan ang siyudad ng San Jose del Monte.THONY ARCENAL

Comments are closed.