PNP 1 WEEK PANG BANTAY-SARADO SA KALSADA

pnp checkpoint

CAMP CRAME– KASUNOD ng deklaras­yon ng Philippine National Police (PNP) na generally peaceful ang paggunita sa Undas,  tiniyak ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa na isang linggo pang alertado sa mga kalsada ang pulisya para sa mga magsisiuwing bakasyonista sa Metro Manila mula sa iba’t ibang lalawigan.

Una nang sinabi ni Gamboa sa Monday re­gular press conference na batay sa kanilang security assessment walang untoward incident matapos ang ilang araw na pagbabantay sa mga sementeryo, simbahan, mga paliparan, mga  bus  terminal at pantalan.

Gayunman,  mayroong walong baril ang nakumpiska ng PNP.

Dalawang motorsiklo ang nanakaw sa Central Luzon at may dalawang kaso ng illegal possesion of firearms ang nangyari sa Metro Manila at Eastern Visayas.

Nasa 4,491 naman na mga bawal na gamit kabilang ang 3,361 na patalim, 977 inuming nakalalasing, gambling paraphernalias at 76 karaoke o videoke machines sa mga semen­teryo ang nakumpiska ng pulisya.

Tiniyak naman ni  Gamboa na mananatili pa rin sa mga Police Assistance Centers, National highways, public transportation at hubs ang mga pulis para bantayan pa rin ang mga uuwi ngayong Linggo mula sa mga probinsiya. REA SARMIENTO

Comments are closed.