(Para sa Olympic-bound athletes) PSC AAPELA NG DAGDAG-BUDGET

Ramon Fernandez

HIHINGI ng tulong ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga kaibigan nito sa Kongreso, gayundin sa pribadong sektor, para madagdagan ang budget ng ahensiya, lalo na para sa mga atletang sasabak sa Tokyo Olympics, ayon kay  officer-in-charge Ramon Fernandez.

“Our good friends from Pagcor (Philippine Amusement and Gaming Corporation), and Cong. Bambol (Abraham Tolentino), Speaker Alan (Peter Cayetano), Secretary (Salvador) Medialdea… Senator Bong Go is very supportive of athletes,” wika ni Fernandez.

“In fact, he mentioned a couple of weeks ago that he would like to make sure that our qualifiers for the Olympics are supported. So we will be calling on them,” aniya.

Kamakailan ay inihayag ng PSC na babawasan nito ng 50% ang allowances na tinatanggap ng national athletes at coaches makaraang lumiit ang budget na kanilang tinanggap mula sa Pagcor dahil sa COVID-19 pandemic.

Nauna nang sinabi ni PSC chairman William “Butch” Ramirez na nasa P9 million lamang ang kanilang tinanggap mula sa Pagcor noong Mayo dahil sa pagsasara ng gaming operations dulot ng pandemya.

Kinansela rin ng ahensiya ang events nito hanggang sa katapusan ng taon dahil malaking bahagi ng budget nito ay ni-realign para ma-katulong sa gobyerno sa p­aglaban sa COVID-19. CLYDE MARIANO

Comments are closed.