UMAABOT na sa 70,000 na mga guro ang inihahanda ng Department of Education (DepEd) para sa pagsasagawa ng online education sa mga estudyante sa pagbubukas ng klase para sa new normal.
Sa virtual Press conference ng DOH, sinabi ni DepEd Director for ICT Service Abram Abanil na sinimulan na nila ang pilot webinars sa mga teacher para sa online education.
Apela naman ng DepEd sa mga magulang at guardians na patuloy na gabayan at i-motivate ang mga estudyante para sa pag-aaral.
Buwan ng Setyembre sinasabing maaring buksan ang mga eskuwelahan, ngunit ayon sa DepEd ay pinag-aaralan pa ito upang matiyak na ligtas ang mga paaralan sa virus.