NAGLAAN ang Asian Development Bank (ADB) ng $25 million o tinatayang P1.2 billion upang ipautang sa Filipinas para sa pagbili ng COVID-19 vaccines kung saan target ng pamahalaan na mabakunahan ang hanggang 70 milyong Filipinos sa 2021.
Ang kasunduan ay magbibigay-daan para makapagpaunang bayad ang gobyerno ng Filipinas sa mga vaccine manufacturer para mai-deliver na sa bansa ang mga bakuna sa harap ng patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19.
Ito ay bahagi ng $125-million Health System Enhancement to Address and Limit (HEAL) COVID-19 Project ng ADB na inaprubahan noong Agosto sa layuning mapigilan at makontrol ang pagkalat ng virus at matulungan ang pamahalaan sa tests, surveillance, at infection prevention and control.
“Vaccination is the next critical step to protect lives and promote livelihood opportunities,” sabi ni ADB President Masatsugu Asakawa. “We stand ready to support the government in these unprecedented times and help the economy navigate back to its pre-pandemic growth path.”
Target ng Filipinas na mabakunahan ang may 50 hanggang 70 million na Filipino ngayong taon, kung saan naglaan ang bansa ng P73.2 billion para sa pagbili ng bakuna.
Ang halaga ay kinabibilangan ng P40 billion na magmumula sa multilateral agencies, P20 billion sa domestic sources, at P13.2 billion mula sa bilateral agreements.
Sa kasalukuyan, dalawang bakuna pa lamang ang nakakuha ng emergency use authority (EUA)—Pfizer BioNTech at British pharmaceutical firm AstraZeneca.
Comments are closed.