CAVITE – AABOT sa 7,000 mga estudyante mula sa Cavite State University (CSU) ang dumalo sa campus symposia hinggil sa illegal drugs and terrorism na pinangunahan ng Philippine Army 202nd Infantry Brigade noong November 22-23, 2019 sa CUS-Main Cam-pus sa Indang.
Ang nasabing symposium ay may temang “Strengthened Alliance on Fight against Illegal Drugs and Terrorism (S.A.F.E.R.).”
Ayon kay 202nd Army Brigade Commander Col. Alex Rillera ang S.A.F.E.R. Cavite ay isa sa primary programs na pinangunahan ni Gov. Jonvic Remulla.
Layon nito na mabigyan ng sapat na kaalaman at i-empower ang mga kabataan hinggil sa masamang epektong dulot ng ilegal na droga at ang modus ng komunistang rebelde na nagre-recruit ng mga kabataan sa pamamagitan ng panlilinlang.
Sinabi ni Rillera, malaking tulong sa mga kabataan ang 2-day multi-sectoral program activity, dahil tumaas pa ang kamalayan ng mga kabataan hinggil sa problemang idinudulot ng ilegal na droga at criminality and insurgency at ang ginagawang pagtugon ng gobyerno dito sa pamamagitan ng “whole of nation approach.”
Binigyan din nang ideya ng militar ang mga kabataan hinggil sa programa ng pamahalaan para labanan ang insurgency at ito ay ang Ending Lo-cal Communist Armed Conflict (ELCAC).
Dahil sa nasabing programa, marami sa mga kababayan natin na naligaw nang landas ang nagbalik loob sa gobyerno at ngayon ay namumuhay na ng matiwasay.
Aniya, dahil sa tagumpay ng nasabing kampanya laban sa komunistang rebelde, hindi malayong matuldukan na ang limang dekadang senseless armed struggle.
Tiniyak naman ni Rillera sa mga kabataan na mas paiigtingin pa nila ang kanilang kampanya laban sa komunistang grupo. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.