(Para sa pagpopondo ng program) PARTNERSHIP SA MODERNIZATION NG BUCOR ISASAGAWA

ISANG partnership funding ang isasagawa ng Bureau of Correction, United Nations at Japan upang palakasin ang modernization program ng ahensiya sa pamamagitan ng pagpopondo o magbibigay ng assistance dito.

Ayon kay BuCor Director Gen. Gregorio Catapang Jr, sa naturang partnership ay magbibigay ng assistance fund ang United Nations United Nations Asia and Far East Institute for the Prevention of Crime and the Treatment of Offenders (UNAFEI) at Embassy of Japan para sa pagpapalakas ng modernisasyon sa ahensiya.

Dagdag pa ni Catapang na malaking bagay ang naturang partnership dahil sa limitado lamang ang resources ng kanilang tanggapan kaya natatagalan ang naturang programa.

Samantala, nagpasalamat naman ang kalihim sa naging pagsuporta ng UN at Japanese government upang mas mapaigting pa ang modernisasyon ng BuCor.
P ANTOLIN