CAMP CRAME – SASABAK ang Reserve Security Forces ng Philippine National Police (PNP) para magbigay nang mahigpit na seguridad sa pagsalubong sa Bagong Taon matapos na magsilbi sa nakalipas na pagdiriwang ng Pasko.
Kahapon, sa tapat ng National Head Quarters sa Camp Crame, nagsagawa ng accounting of personnel para sa mga pulis na ipakakalat sa iba’t ibang distrito sa Metro Manila.
Inalerto sila at pinaalalahaanan na maging handa sa oras na kailanganin.
Ayon kay Police B/Gen. Matthew Baccay, New Year’s RSSF Commander, kagaya noong Pasko, 250 mga pulis ang ipakakalat nila hanggang Enero 5.
Target kasi ngayon ng PNP ang zero-incidents ng indiscriminate firing ng mga pulis at zero-injuries mula sa indiscriminate firing na bahagi ng Paskuhan 2019.
Samantala, pinaalalahan din ni Baccay ang mga pulis sa tamang bihis habang naka-deploy. REA SARMIENTO
Comments are closed.